ABS-CBN Dominates Mega, Metro, and Nationwide TV Ratings!

Kapamilya network is continuously conquering the Mega and the Metro Manila territory. After they lord the National TV rating, it consistently steal the throne from its rival GMA-7!

Here is a news article from Pilipino Star Ngayon regarding this exciting TV rating race. It reads:

Kapamilya Nakuha Na Ang Mega Manila

MANILA, Philippines - Nanguna ang ABS-CBN Corporation sa national, Mega Manila at Metro Manila TV ratings sa isinagawang survey ng Kantar Media (dating Taylor Nelson Sofres o TNS) kamakailan.

Nilamon ng ABS-CBN ang kalabang network nang pumalo ito sa average national audience share na 44 percent laban sa 30 percent ng GMA mula Hunyo 1-14

Panalo ang ABS-CBN sa Mega Manila sa 35% audience share. Makikitang pataas ang audience share ng ABS-CBN mula 35.2 percent noong Hunyo 2009, samantalang bumagsak naman ang GMA ng 7 puntos mula sa audience share nilang 40 percent noong Hunyo ng nakaraang taon.

Malayo rin ang lamang ng ABS-CBN sa tahanan ng mga taga-Metro Manila sa audience share na 38% vs GMA na may 30%.

Samantala, labing-apat sa overall top 20 programs na pinapanood nationwide mula Hunyo 1-14 ay mula sa ABS-CBN.

Wala pa ring makatalo sa numero unong teleserye sa bansa na Agua Bendita (39.5%) habang maganda naman ang pasok ng bagong Kapamilya soap na Momay sa ika-9 na puwesto sa rating na 25.7%. Nanguna tuwing weekend ang Pilipinas Got Talent. Ang finale nito na ginawa noong Hunyo 6 ay humarurot sa rating na 43.8%

Pagdating naman sa balita, mas maraming Pilipino ang nanonood sa TV Patrol World (33.2%) laban sa 24 Oras (22.2%). Noong nakaraang halalan, nanguna ang TV Patrol World sa national TV ratings noong Mayo 10. Nakakuha ito ng 31.5% rating at tinaob ang kalabang 24 Oras.

Kasama rin sa overall weekday and weekend Top 20 ang Kung Tayo’y Magkakalayo (34.9%), Maalaala Mo Kaya (34.2%), Rated K (29.2%), Agimat presents Elias Paniki (27.5%), Rubi (27.2%), Sharon (23.7%), Goin Bulilit (23%), Pinoy Big Brother Teen Clash 2010 (Weekday) (19.1%), Pinoy Big Brother Teen Clash 2010 (Saturday) (18.5%) at Kapamilya Sunday Blockbuster (18.3%).

Maliban sa pamamayagpag sa ratings game, humakot ng iba’t ibang awards ang ABS-CBN. Hinirang na TV News Station of the Year ang ANC, Radio Station of the Year ang DZMM, at Broadcast Journalist of the Year si Ricky Carandang sa 2010 Rotary Club of Manila (RCM) Journalism Awards.

Kinilala rin ng World Economic Forum si Karen Davila bilang isa sa Young Global Leaders ng 2010 habang ang senior reporter naman na si Nina Corpuz ay ginawaran ng Media For Labor Rights Prize ng International Labour Organization (ILO) ng United Nations.

(Article Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=587046&publicationSubCategoryId=96)

Nice one Kapamilya! Keep this up...!!! C",)

Post a Comment

1 Comments

  1. U have a great blog. I enjoy reading this blog.
    I have some tips for you name blog.
    U can change you blog name to you name.
    For example cat-and-girl.blogspot.com to youname.co.cc.
    It short and easy to remember.
    This is about the domain and i suggest you try it.
    For try the free domain, u can get it at here

    domain-myname.co.cc

    Have a more domain like a .com .sg .biz .info
    You should try if you like blogging.

    Thanks and regards,

    ReplyDelete