For the very first time, the real-life showbiz mother, daughter, and grandmother will star altogether in one TV drama. They are Janine Gutierrez, Lotlot De Leon, and the superstar Ms. Nora Aunor.
The three lead this Saturday's episode of GMA's drama anthology, "Karelasyon." The story is entitled "Tres Rosas."
Here is the synopsis of the story:
Isang madilim at mapait na kahapon ang patuloy nanagmumulto kay Maring (Nora Aunor). Kabilang siya samaraming Pinay na paulit-ulit inabuso at pinagsamantalahan ng mga hapon na sumakop sa atingbansa noong World War 2.
At habang nag-ra-rally para sa hustisya ang ibang mgalola na dumanas din ng kanyang pinagdaanan, samismong tahanan ni Maring haharapin ang isa ring mabigat na laban.
Dahil ang pinakahihintay niyang reunion o mulingpagsasama-sama ng kanyang pamilya ang magbibigaydaan para malaman niyang isang dayuhan ang inibig ngkanyang apong si Rose (Janine Gutierrez) at mula ito salahi na ika nga’y nagkasala nang masidhi sa mgabinansagang “comfort woman” gaya niya.
Ang pagkakaron ng nobyong hapon ni Pilar ay paglapastangan nga ba sa masakit na karanasan ngkanyang lola? Magpapaubaya na lang ba si Maring parasa kaligayahan ng kanyang apo? Paano papagitna at sasaklolo sa gusot na ito ang ina ni Rose na si Pilar(Lotlot De Leon). Ang kakampihan ba ni Pilar ay angkanyang nanay o ang kaisa-isang anak?
Abangan ang kapana-panabik na kwentong ito saKarelasyon, tampok ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Superstar, Nora Aunor kasama ang anak niya satunay na buhay na si Lotlot De Leon at apong si Janine Gutierrez.
Sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr. at paglalahad ni Ms. Carla Abellana, tunghayan itongayong Sabado, July 11, 2:30pm pagkatapos ng Eat Bulaga. (TV Series Craze)
Follow Us on Instagram: @rockenroll_04
Follow Us on Twitter: @rockenroll_04
Like Us on Facebook: www.facebook.com/TVSeriesCraze
0 Comments