Kara David Shares Inspiring Stories in "Dream Home"



Kara David will share inspiring stories to the viewers via his newest show, "Dream Home."  

The program which will air in GMA News TV showcases different "from rugs to richest" stories. Different people who once dream but in the end, they achieved   the dream they once had. Here is a glimpse of the said new show:

Kapuso, ano ang pangarap mo? Gaya ng maraming Pilipino, siguro gusto mo rin ng malusog na pamilya, sapat na makakain, at matulog nang mahimbing sa  ilalim ng sariling bubong.

 

Ang mga pangarap na ito ang laman ng bagong tahanan na bubuksan ni Kara David ngayong Biyernes ng umaga. Ang DREAM HOME ang pinakabagong programa na magbibigay ng inspirasyon sa mga taong nais magtagumpay sa buhay at manirahan sa kanilang pinapangarap na bahay. Tuklasin natin ang kuwento ng kanilang paghihirap at susi sa mas magandang buhay. Maliban dito, may mga praktikal na payo rin sila para matamasa ang tagumpay. Sa unang pagtatanghal ng programa, bibigyan tayo ni Kara ng patikim ng mga kuwentong puno ng pag-asa na dapat ninyong abangan sa mga darating na pagtatanghal ng DREAM HOME.

CEO YAYA

Ang dating yaya na si Rebecca Bustamante-Mills, Chief Executive Officer na ngayon ng sarili niyang kumpanya. 2013 nang makabili siya at kanyang asawa ng kanilang dream house isang pribadong subdibisyon sa Paranaque. Puno ng mga antique furniture ang kanilang bahay na kapag pinagsawaan na ni Rebecca ay ibinibenta niya sa mas mataas pang halaga. May isang dining table siya na nagkakahalaga raw ng halos kalahating milyong piso kapag ibinenta. Meron din siyang koleksyon ng jars na certified pa ng National Museum. Paano kaya niya nalampasan ang mabibigat na kabanata ng kanyang buhay?

REDEEMED EX-CONVICT

Minsan nang naligaw ang landas, naging palaboy sa kalye, nalulon sa bisyo, at nakulong. Sa kaniyang pagbangon at pagbabalik-loob sa Diyos, naging kilala ang pangalang Edwin Samot bilang isa sa mga pinaka-matagumpay na hairdresser sa bansa. Kung dati'y sa kalye siya nakatira, ngayon ay nagmamay-ari na siya ng tatlong palapag na bahay sa Cavite kung saan sikat ang kanyang mga salon. Malawak at parang maze ang disenyo ng kanyang tahanan dahil konektado raw ang bawat kuwarto sa hallway na ginawa niyang garden. Karamihan ng kaniyang kagamitan ay gawa sa scrap materials gaya na lamang ng isang salamin at chandelier na mula sa pinagtagpi-tagping kahoy. Tila ba gaya ni Edwin, naisi niyang makita ang Paano nga ba nabago ang kapalaran ni Edwin na nagsimulang talunan sa buhay?

JANITOR TO KING

Dating janitor sa isang amusement park, ngayon siya na ang tinaguriang "Carnival King".  Parang roller coaster ride daw nag naging buhay ni Ramon Santos bago makamit ang tagumpay. Nakipagsapalran siya sa Maynila para makapagtapos ng pag-aaral, namasukan bilang janitor sa isang sikat na amusement park kung saan niya natutunan ang pasikot-sikot ng negosyo niya ngayon. Matapos ang isang dekada, si Ramon na ang nagsu-supply ng  rides na matatagpuan sa mga sikat na mall at amusement park sa bansa. Pagpasok pa lang sa apat na ektaryang compound ng tahanan ni Ramon, aakalain mong nasa loob ka ng isang theme park dahil bubungad ang isang 18 year-old na carousel at ilang kiddie rides. May tren na maaaring sakyan sa paglibot dito. Sa loob naman ng kaniyang dream house, matatagpuan ang isang malaking sinehan ng pamilya. Dati raw ay nakikipagsiksikan pa si Ramon sa pagsakay sa LRT pero ngayon isang Mercedes Benz raw ang kaniyang sinasakyan. Paano nga ba naabot ni Ramon ang kaniyang pangarap mula sa makapigil hiningang rides na kaniyang ginagawa?

Ngayong Biyernes, 10:30 AM, abangan ang kuwento ng pangarap at tagumpay ng mga taong nakamit ang kanilang Dream Home. (TV Series Craze)

 


Follow Us on Instagram@rockenroll_04

Follow Us on Twitter@rockenroll_04  

Like Us on Facebookwww.facebook.com/TVSeriesCraze

Post a Comment

0 Comments